-- Advertisements --

Itinuturing ng Malacanang na mayroong ibang pakay si Senator Imee Marcos matapos na isiwalat sa pagtitipon ng Iglesia Ni Cristo na gumagamit ng iligal na droga ang kapatid na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, na wala ng ibang maibato ang senador na isyu kaya inuulit ang usapin sa paggamit ng iligal na droga.

Ang nasabing usapin aniya ay matagal ng naresolba noong magpa-drugtest ito noong hindi pa siya pangulo.

Marapat aniya na matuwa na lamang ang senador dahil sa nagiging mabigat na ang paglaban ng pangulo laban sa kurapsyon.

Hinikayat na lamang ni Castro ang Senador na tumulong na lamang sa kapatid para labanan ang kurapsyon sa bansa.