Pinangalanan ng contractor na si Curlee Discaya ang anim na kongresista at 2 pang dating opisyal ng gobyerno na umano’y nakatanggap ng kickbacks mula sa flood control projects na laman ng isa sa kaniyang payoff ledger.
Kabilang sa mga binanggit ni Curlee sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong Biyernes, Nobiyembre 14, ang mga dati at kasalukuyang kongresista na sina Pasig City Rep. Roman Romulo, dating Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo, Caloocan City 3rd District Rep. Dean Asistio,Quezon City 5th District Rep. Patrick Vargas, Quezon City, 6th District Rep. Ma. Victoria Co-Pilar at Uswag Ilonggo Partylist Rep. James “Jojo” Ang.
Kasama din sa pinangalanan sina dating Presidential Assistant for the Visayas Terence Calatrava at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo.
Sinabi ni Curlee na may natitira pang ledger sa kanilang residence, ngunit hindi nila ito nakuha dahil sa kakulangan ng oras.
Isinumite ng mag-asawang Discaya ang nakuhang ledger sa Senate Blue Ribbon Committee.
Una rito, pansamantalang pinayagang makalabas ang mag-asawang sina Curlee at Sara Discaya ng Senate Blue Ribbon Committee mula sa pagdinig sa flood control anomaly upang kunin ang mga dokumentong naglalaman umano ng impormasyon sa mga indibidwal na nauugnay sa iskandalo.
















