Reading Time: 1 minute
Tamil Nadu India
Tamil Nadu India

Naghigpit na ang India sa mga bumibisita sa kanilang dam matapos ang nangyaring aksidente na ikinasawi ng apat na miyembro ng pamilya.

Nasawi ang mga biktima matapos na sila ay mag-selfie sa nasabing dam sa Tamil Nadu State.

Sa nasabing insidente ay dalawa ang naligtas na kinabibilangan ng asawa ng isang biktima at 15-anyos na kapatid nito.

Mayroong kabuuang 259 na kaso na nang pagkamatay ang naitala sa India dahil sa selfie lamang mula taong 2011 hanggang 2017.

Pambar dam India