Nagturok ng 20 milyong COVID-19 vaccines sa loob ng isang araw ang India.

Isinagawa ng India ang record-breaking na vaccination sa ika-71 birthday ni Prime Minister Norenda Modi.

Dahil dito ay nalampasan na nila ang naunang daily record ng pagpapabakuna na mahigit 13 milyon doses noong Agosto 27.

Target kasi ng India na mabakunahan ang lahat ng mga eligible na mamamayan na nila hanggang sa katapusan ng 2021.

Sa ngayon ay aabot sa 787 milyon doses na ng tatlong aprubadong bakuna ang naiturok ng India.

-- Advertisement --

Mula noong Enero ay nasa 20% eligible na Indian ang fully vaccinated na.