Mananatili sa ilalim ng papasok na Marcos administration ang independent policy ng Pilipinas sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov.
Sa courtesy visit ni Pavlov kay President-elect Marcos, bahagyang natalakay sa kanilang pagpupulong sa headquarters ni BBM sa Mandaluyong City ngayong araw ang hinggil sa sitwasyon sa Ukraine.
Ibinahagi ng Russian envoy na nais ni President-elect Marcos na ipagpatuloy ang kaniyang indpendent policy at ang kooperasyon sa Russian Federation.
Nabatid sa kasagsagan ng campaign period ni Marcos, sinabi nitong hindi kailangan na magkaroon ng stand kaugnay sa Russian invasion sa Ukraine bagamat nababahala din ito sa mga Pilipinong apektado ng ntaurang conflict sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kabila nito, sa isinagawang UN Gerneral Assembly, bumoto ang Pilipinas sa pagkondena sa pag-atake ng Russia laban sa Ukraine.