-- Advertisements --
Labis ang kalungkutan ng actress na si Jean Garcia matapos ang pagpanaw ng ina dahil sa COVID-19.
Sa kaniyang social media ibinahagi ng 51-anyos na actrress ang pagpanaw ng inang si Sandra Panganiban Garcia nitong Abril 2 matapos dapuan ng COVID-19 sa edad na 70.
Kinumpirma naman ng manager ng actress na si Manny Valera na nagpositibo ang ina ng actress noong nasa pagamutan na ito sa San Juan, Greenhills.
Inakala pa aniya ng pamilya epekto ng stroke dahil dalawang beses itong na-stroke na dati.
Nagpost din ng larawan ang anak ng actress na si Jennica Uytingco na kasama ang lola at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan sa showbiz ng actress dahil sa pagpanaw ng ina.