Nilinaw ni Atty. Paul Lawrence Lim ang desisyon ni vice President Sara Duterte na hindi muna maghain ng plea sa pagharap niya sa Quezon City Regional Trial Court nitong Biyernes, Setyembre 11, kaugnay ng kasong grave threats.
Ayon kay Lim, bagama’t kinukuwestiyon ng kampo ni Duterte ang hurisdiksyon ng korte sa kaso, ang personal na pagdalo ng Bise Presidente sa pagdinig ay nagpapakita umano ng kanyang paggalang sa batas at proseso ng korte.
Hindi muna siya pinaghain ng plea dahil ipinagpaliban ng korte ang arraignment matapos dinggin ang mosyon ng kanyang kampo. Inatasan ng korte ang department of justice na magkomento sa mosyon bago ito maglabas ng desisyon.
Ang kaso ay kaugnay ng umano’y pagbabanta sa buhay nina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady liza araneta-marcos at dating house speaker Martin romualdez. Itinanggi ni duterte ang mga alegasyon at patuloy na kinukuwestiyon ng kanyang kampo ang legal na batayan ng kaso.
















