BACOLOD CITY – Nakakulong na rin ang isang ina matapos makuhanan ng suspected shabu nang binisita ang kanyang anak sa Metro Bacolod District Jail (MBDJ) Handumanan Annex.

Sa panayam kay Jail Senior Inspector Norberto Meciano, jail warden ng Bureau of Jail Management and Penology-Handumanan Annex, narekober ang isang sachet ng suspected shabu sa isang Francisca Siancua ng Purok Kagaykay, Barangay 2, Bacolod, nang kapkapan ito sa gate kahapon.

Ayon sa warden, may dalawang purse ang suspek kung saan nakalagay ang pera sa isa at sa isa naman ang suspected shabu.

Bibisitahin sana ng suspek ang kanyang anak sa loob ng MBDJ na kasalukuyang nakakulong dahil din sa kaso sa illegal drugs, ngunit malapit na itong makalaya dahil nag-avail ito ng plea bargaining agreement.