Aabot sa 5,000 tauhan ng pulisya ang idedeploy sa buong Negros Island Region sa panahon ng halalan sa darating na Mayo.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay PBGen Arnold Thomas Ibay, Officer-in-charge ng Police Regional Office-NIR, sinabi niyang ang mga ito ay ipapakalat sa 1,430 voting centers at humigit-kumulang 19,000 clustered precincts.
Sinabi pa ni Ibay na nakikita nilang kakailanganin ng Negros Oriental ang 350 tauhan ng pulisya na kanila namang tinutugunan kung saan kukuha pa aniya sila ng augmentation force mula sa tanggapan ng pulisya sa Bacolod City para lamang sa layunin ng halalan.
Aniya, ito’y para maayos nilang maisagawa ang tungkulin at pagkatapos ng eleksyon at ibabalik din ang mga ito.
Wala naman umano silang nakikitang magiging problema sa rehiyon kaugnay sa nalalapit na halalan maliban na lamang sa tinitingnan nilang 2 election areas of concern sa naturang lalawigan dahil sa kamakailang insidente.
Samantala, sa ginanap na Regional Joint Security Control Center meeting sa naturang lalawigan, tinalakay pa election areas of concern at salik ng panganib at kung paano ito tutugunan.
Aniya, tinitingnan nalang nila ngayon kung ano pa ang pwedeng gawin para mas maging maayos ang darating halalan ngayong taon.
Idinagdag pa nito na handa na sila sa darating na eleksyon at hinihintay na lamang nila ang iba pang tagubilin mula sa Commission on Elections.
Pinaplantsa na rin ang lahat ng movement ng mga automated counting machines, balota, at mga gagawing pagbabantay para pagdating sa araw ng election ay nakalatag na ang lahat ng security deployment.