CENTRAL MINDANAO-Kritikal ang kondisyon ng mag-ina ng itoy pagtatagain sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Fatima Tudog Angga at ang kanyang bunsong anak,mga residente ng Parang Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya,nakalimutang isirado ng inak ang kwarto ng kanyang nakakatandang anak na may problema sa pag-iisip.

Kumuha ito ng itak ang suspek at pinagtataga ang kanyang ina at kapatid habang nagpapahinga sa kabilang kwarto ng kanilang bahay.

Mabuti na lamang at agad na nakapag-responde ang kanilang mga kapitbahay kaya’t nailigtas ang mag-ina sa tiyak na kamatayan.

Mabilis namang naisugod ng kanilang mga kamag-anak ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City at nasa maselang kondisyon.