Pirmado na ng ilang ahensiya ng gobyerno ang implementing guidelines para sa safety seal certification para matiyak SA publiko na sumusunod ang mga business establishment at government offices sa minimum public health standard ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Binubuo ng Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of Interior and Local Government, Dept. of Tourism at Dept. of Trade and Industry ang pumirma sa nasabing guidelines.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na sa nasabing safety seal certification ay mapapalakas ang kumpiyansa ng publiko na mahigpit na ipinapatupad ng mga establisyemento ang health protocols lalo ngayong pandemic.
Matitiyak ng mga establisyemento na ligtas ang kanilang bumibisitang customers.
Gagamit din aniya ang mga establisyemento ng StaySafe digital contact tracing applications para mapaigting ang contact tracing ng gobyerno.















