-- Advertisements --

Patuloy ang paghina at paglayo ng Severe Tropical Storm Sinlaku (2604) sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 2,770 kilometro silangan-hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 95 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso hanggang 110 kilometro kada oras, habang kumikilos ito pa-northeast sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Bagama’t nasa labas pa ng PAR ang bagyo, patuloy na binabantayan ng weather bureau ang posibleng epekto nito sa karagatan.

Samantala, umiiral ang Ridge of High Pressure Area (HPA) na umaabot sa Northern Luzon.

Dahil dito, inaasahang magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa ilang bahagi ng Luzon, partikular sa hilagang rehiyon.