-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Josie ang taglay nitong lakas ng hangin, matapos makapasok sa karagatang sakop ng pilipinas.

Patuloy na binabantayan ang Tropical Storm Josie na huling namataan sa layong 1,085 kilometro silangan ng Eastern Visayas batay sa pinakahuling datos.

Ang bagyo ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 25 km/h at may lakás ng hangin na 65 km/h malapit sa sentro at pagbugso hanggang 80 km/h.

Dahil sa epekto ng Habagat, inaasahang makararanas ng pag-ulan ang mga probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay posibleng makaranas ng localized thunderstorm na magdudulot ng biglaang buhos ng ulan at pagkidlat.

Nagpaalala ang state weather bureau na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng malakas na ulan.