-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ang isang napakalakas na bagyo na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang Super Typhoon Bavi (2609) ay namataan sa layong 2,120 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa sentro, at pagbugso hanggang 250 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, mahigpit na binabantayan ng mga eksperto ang posibleng pagpasok ng bagyo sa PAR sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga abiso ng mga otoridad at maging handa sa anumang pagbabago ng lagay ng panahon.