-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Rido o alitan sa pamilya ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa istrapping incident sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Sittie Alipolo Abdullah, 58 anyos, byuda, Zenaida Abdullah Mustapha, 36, may asawa, Laga Abdullah, 34, dalaga at Ashley Abdullah Panigas ,tatlong taong gulang.

Sugatan naman sina Ryan Abdullah Abedin, 13 anyos, Raad Abdullah Abedin, 7, Asria Abdulrajak Abdullah, 30 at Asya Abdullah, 8,mga residente ng Sitio Tugunan Barangay Lagunde Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police, Captain Mautin Pangandigan na katatapos lamang mananghalian ng mga biktima sa loob ng kanilang tahanan ng biglang dumating ang mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan at agad na nagpaputok gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Dalawa sa mga biktima ang on the spot na nasawi at dalawa naman ang dead on arrival sa Cruzado Medical Hospital.

Apat naman ang patuloy na ginagamot sa ospital at nasa malubhang kalagayan.

May mga tao o grupo narin na pinaghihinalaan ang pamilya ng mga biktima na suspek sa pamamaril.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP katuwang ang 90th Infantry (Bigkis-lahi) Battalion Philippine Army sa naturang pangyayari.