-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. sa mga local government units na secured ang mga refrigerators kung saan nakalagay ang suplay ng COVID-19 vaccines.

Ito ay upang hindi na maulit pa ang insidente sa bayan ng San Enrique, Iloilo kung saan nasira ang 167 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines matapos ang nangyaring brownout.

Dahil dito, tumaas ang temperatura ng refrigerator na sana ay nasa 2 hanggang 9 degree Celsius lamang upang mapanitili ang pagiging epektibo ng bakuna.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Defensor, sinabi nito na handa na ang mga generator set na gagamitin sakaling may power interruption.

Ninilaw naman ng gobernador na magsasagawa pa rin sila ng background check upang matukoy ang kahandaan ng mga LGU sa vaccine deployment.