Umaasa si Senador Lito Lapid na walang katotohanan ang mga alegasyon laban sa mga dating Senador — na nadadawit sa umano’y korapsyon sa flood control projects.
Kahapon, Nagsumite ng referral ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman laban kay dating senador Bong Revilla Jr.
Bukod dito, hiniling ng komisyon sa Ombudsman na magsagawa pa ng mas malalim na imbestigasyon laban kina dating senador Nancy Binay, dating Senate finance chairperson Grace Poe, at Senador Mark Villar, na nagsilbi ring kalihim ng DPWH, at Senador Chiz Escudero.
Ayon kay Lapid, nalulungkot siya sa pangyayari na nadadawit ang mga kasamahan niya sa Senado kaya naman umaasa siyang sa imbestigasyon ay lumabas na hindi ito totoo.
Samantala, nang matanong naman si Lapid kung paano maiiwasan ang nangyayaring katiwalian sa gobyerno, sinabi nitong hindi sila ang nagpapatupad ng proyekto at samakatuwid ay ahensya ng pamahalaan.
















