-- Advertisements --

Ikinagalak ng mataas na opisyal ng United Nations na pumapayag ang ilang mga mataas na opisyal ng Taliban na bawiin ang pagbabawal nila sa mga kababaihan na makibahagi sa mga pampublikong gawain.

Ayon kay UN Deputy Secretary-General Amina Mohammed , na may ilang opisyal ang pinag-aaralang mabawi ang kanilang paghihigpit sa mga kababaihan.

Kailangan aniya lamang ng pagpressure mula sa iba’t-ibang panig ng mundo sa Taliban para bawiin ang ipinatupad na batas.

Nasa Afghanistan si Mohammed ng ilang araw para kausapin ang mga Taliban ukol sa ipinatupad na batas laban sa mga kababaihan.

Magugunitang ipinagbawal ng Taliban na mag-aral sa mga unibersidad at magtrabaho sa mga opisina ang mga kababaihan ng Afghanistan.

Dahil dito ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga kababaihan at kinondina ng ilang grupo mula sa iba’t-ibang bansa ang nasabing hakbang.