makilala landslide1

KORONADAL CITY – Nagkukumahog ngayon ang lokal na gobyerno ng Makilala, North Cotabato na maisalba pa ang posibleng mga survivors sa bulubunduking bahagi ng nasabing bayan matapos ang sunod-sunod na mga pagyanig na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay North Cotabato second district board member Onofre Respecio, kahit dumating na ang mga heavy equipments ng gobyerno para i-rescue ang residente sa mga lugar na natabunan ng malawakang landslide ay hindi pa rin ito kasiguraduhan na agad na maisasalba ang mga biktima lalo na at pahirapan ang clearing operations dahil sa napakalaking bahagi ng bundok ang gumuho.

Napag-alamang tatlong barangay ang pinaka-apektado ng landslide na kinabibilangan ng Barangay Bato, Buhay at Malabuan sa Makilala.

Sinabi ni Board Member Onofre Respecio na malaki ang posibilidad na may mga residenteng natabunan at may mga na-trap sa mga daan pababa sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar.