Mas malawak na lugar pa ang inaasahang uulanin at babahain sa mga susunod na araw dahil sa pagkilos ng binabantayang low pressure area (LPA) sa Luzon.
Huling namataan ang LPA sa layong 455 km sa silangan ng Baler, Aurora.
Habang habagat naman ang nagdadala ng ulan sa Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Nitong Biyernes ng hapon, binaha ang ilang parte ng Metro Manila dahil sa biglaan at malakas na ulan.
Partikular na naapektuhan ng baha ang Brgy. Pinyahan sa Quezon City, maging sa Mother Ignacia at Samar streets.
Habang umabot hanggang sa 20 sentimetro ang taas ng tubig sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo na nasa kahabaan ng EDSA.
Bumigat din ang daloy ng trapiko sa iba pang mga lansangan dahil sa zero visibility, dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan.
















