CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng 4th Infantry ‘Diamond’ Division ng Philippine Army na mayroon silang ilang pamilya na ipinalikas dahil sa isinagawa nila na Philippine Air Force focused strike sa lokasyon ng mga naiiwanang kasamahan ni late CPP-NPA-NDF Mindanao spokesperson Jorge Madlos alyas Ka Oris sa Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasug-ong,Bukidnon.
Ito ay matapos humingi ng aerial support ang ground troops ng 403rd Infantry Brigade laban sa naka-posisyon pa ng mga rebelde at napapalibutan ng mga itinanim na landmines na lokasyon nila para hindi basta-basta na mapasukan ng state forces.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Francisco Garello Jr na kinakailangan nila itong gagawin na gagamit ng air strike upang mapahina ng husto ang lumaban pa rin na mga tauhan ni Ka Oris sa lugar.
Ito ang dahilan na pansamantala na inilikas ang nasa mahigit kumulang 30 pamilya sa mas ligtas na lugar dahil sa sobrang lakas ng mga bomba na inihulog fighter jets ng Air Force.
Magugunitang naudlot ang pamamahinga ng maraming mga taga-Northern Mindanao partikular sa mga taga- Cagayan de Oro,Misamis Oriental at Bukidnon dahil sa sobrang lakas ng mga bomba na yumanig sa lokasyon ng mg rebelde.
Sa ngayon,nagsagawa na ng military movements ang tropa dahilan na ipina-pauwi na ang mga pinalikas na mga pamilya.