-- Advertisements --

Iniulat ng Police Regional Office-8 (PRO-8) ang pagkawala ng parish priest ng San Jose de Malibago Parish sa Barangay Malibago, Babatngon, na kinilalang si Fr. Edwin Cutz Caintoy, na huling nakita noong Disyembre 23 sa Tacloban City.

Bago siya mawala, sinabi ni Fr. Caintoy na pupunta siya sa Santo Niño o Redemptorist Church para magpakumpisal.

Dahil dito agad na sinimulan ng PRO-8 ang imbestigasyon upang alamin ang pangyayari at sinusundan ang lahat ng lead para mahanap ang naturang pari.

Sa kabila nito nilinaw ng mga awtoridad na ang anumang impormasyon sa social media tungkol sa kanyang kinaroroonan ay hindi pa beripikado. Pinayuhan nila ang publiko at media na umasa lamang sa opisyal na sources para sa kumpirmadong updates.

Hinimok din ng pulisya ang sinumang may impormasyon tungkol kay Fr. Caintoy na makipag-ugnayan sa Babatngon Municipal Police Station o sa pinakamalapit na police station.