-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga awtoridad ng Turkey nitong araw ng Biyernes, Disyembre 26, na nahuli nila ang isang suspek na pinaniniwalaang miyembro ng umano’y ISIS na target manggulo sa pasko at bagong taon.

Ayon sa state-run Anadolu Agency, nahuli si Ibrahim Burtakucin sa isang operasyon na isinagawa ng mga pulisya at ng National Intelligence Agency (MIT) sa Malatya City.

Napagalaman na si Burtakucin ay nakikipag-ugnayan sa mga simpatizantes ng ISIS sa Turkey at sa ibang bansa. Natuklasan din na naghanap ng pagkakataon na sumama ang suspek sa mga digmaan sa bawat border zone.

Bukod dito nakumpiska rin ang mga digital gadget ng umano’y miyembro ng ISIS at mga dokumento na may kaugnayan sa ISIS mula sa bahay ng suspek.

Ang pagkakahuli kay Burtakucin ay sumunod sa isang malaking operasyon ng Istanbul, kung saan higit sa isang daang mga suspek na miyembro ng ISIS ang inaresto.

Nagpapatuloy naman ang mga operasyon ng pamahalaan ng Turkey upang tiyakin ang kaligtasan ng bansa at maiwasan ang anumang posibleng banta ng terorismo ngayong holiday season.