Ikinagalak ng maraming mamamayan at opisyal ng Nigeria ang ginawang airstrike ng US laban sa teroristang grupo.
Sinabi ni Nigerian Foreign Minister Yusuf Tuggar na ang pag-atake ng US ay may koordinasyon sa gobyerno ng Nigeria.
Nakahanda umano ang Nigeria na makipagtulungan sa iba’t-ibang mga bansa para labanan ang terorismo.
Bago ang pag-atake ay nagbigay ng intelligence report ang Nigeria sa US.
Dagdag pa nito na nakausap niya si US Secretary of State Marco Rubio bago at pagkatapos ng pag-atake.
Bago ang pulong ay nagbigay na ng go-signal si President Bola Tinubu sa US at isagawa ang pag-atake.
Giit nito na ito lamang ang pagsisimula at asahan na may ibang bansa ang magsasagawa ng kahalintulad na ginawa ng US.
Magugunitang noong Oktubre ay nagbigay na babala si US President Donald Trump na nanganganib ang Kristiyanismo sa Nigeria dahil sa ISIS group doon.
Nagpasya ito na makialam na ang US dahil sa bigo ang Nigeria na pigilan ang paglaganap ng terorismo doon.
















