-- Advertisements --

Sa pamamagitan ng video link mula sa kulungan, humarap na sa korte sa unang pagkakataon ang 24-anyos na suspek sa mass shooting sa Bondi Beach na ikinasawi ng 15 katao.

Nahaharap ngayon si Naveed Akram sa kabuuang 59 na kaso kaugnay ng madugong pag-atake sa isang Hanukkah celebration noong Disyembre 14.

Kabilang sa mga isinampa laban sa kanya ang 15 counts ng murder, 40 counts ng wounding with intent to murder, at isang terror offense.

Sa ulat, tahimik lamang na nakaupo si Akram mula sa Goulburn Correctional Centre habang dinidinig ang kaso.

Magugunitang isinagawa umano ni Akram ang krimen kasama ang kanyang amang si Sajid, 50-anyos, na napatay ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente.

Sa panayam naman sa labas ng korte, sinabi ng abogado ng suspek na si Ben Archbold na masyado pang maaga para tukuyin kung ano ang magiging plea ng kanyang kliyente.

Nakatakdang dinggin muli ang kaso sa Abril.