-- Advertisements --

Naglabas na ang pamunuan ng Philippine Ports Authority ng ilang paalala para sa ligtas at maayos na paglalakbay ngayong Undas 2025.

Para sa mga pamilyang may bata, iminumungkahi ng PPA na dalhin ang mga sumusunod: tickets at IDs, meryenda at inumin, laruan, aklat, o tablet, wet wipes at ekstrang damit, sumbrero o jacket, pangunang lunas (band-aid, thermometer, paracetamol drops), at name tag o safety wristband. Tiyaking hawak-kamay ang bata sa mataong lugar.

Para sa mga solo traveler, kailangan dalhin ang valid ID at ticket (may digital copy), maliit na bag, tubig, power bank at charger, jacket o shawl, listahan ng emergency contacts, at ipaalam ang ruta sa mga kaanak o kaibigan.

Magdala rin ng sanitizer at wipes at ugaliing dumating nang maaga sa pantalan.

Para sa mga senior citizen, siguraduhing may dalang maintenance na gamot (nakalagay sa label), medical ID o reseta, magaan na meryenda at tubig, portable fan o maliit na unan, eyeglasses o reading aids, valid ID at travel papers, at assistance card o contact ng kasama.

Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa staff ng PPA kung may kailangan.

Para sa mga Plantitas/Plantitos na maglalakbay, kailangan ng Clearance for Domestic Transport (CDT) mula sa BPI–NPQSD.

May limitasyon sa ilang halaman gaya ng genus Musa (saging/abaka).

Para sa mga fur parents, dalhin ang Veterinary Health Certificate at valid shipping permit mula sa BAI–NVQS (balido hanggang 7 araw).