Ilang ospital sa bansa ang patuloy na nagbibigay ng libreng turok kontra sa nakamamatay na rabies.
Maaari rin na makapag avail ang mga pasyenteng nakagat ng hayop ng animal bite treatment package ng Philhealth para mabawasan ang kanilang pinansyal na alalahanin.
Ayon sa DOH, kailangan lamang na magdala ang mga pasyente ng Identification Card para makapag avail ng libreng vaccine sa mga pampublikong ospital.
Kabilang sa nag-aalok ng naturang serbisyo ay ang San Lazaro Hospital sa Santa Cruz, Manila.
Batay sa kanilang datos, aabot sa mahigit 100,000 anti-rabies vaccines ang stock nito na tatagal hanggang matapos ang kasalukuyang taon.
Sakali naman na kulangin pa ang supply na ito ay maaari namang humiling ng karagdagang vaccines sa Department of Health.
Sa ngayon, nag-aalok rin ng libreng anti-rabies vaccines shots ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa at Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina.
Maaari namang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa iba pang mahahalagang impormasyon hinggil sa libreng anti-rabies vaccines.