Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga nagtaas na presyo na mga Noche Buena products.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na ang mga suggested retail prices (SRP) ng mga Noche Buena Products ay nagtaas ng hanggang 11 percents.

Isa sa dahilan ng pagtaas ay tumaas rin ng hanggang 40 percent ang mga raw materials.

Kinabibilangan ito ng mga ham, fruit coctail, cheese, sandwich spread, mayonnaise, queso de bola, spaghetti, macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at creamer.

Nilinaw naman nito na ang nasabing mga Noche Buena products ay hindi nasasakupan ng price control.