Doble ang swerte ng ilang NBA players na mapipili para sa taunang All-Star game na magaganap sa sunod na buwan sa estado ng Atlanta.

Una nang inanunsyo nitong araw ng NBA ang bubuo ng reserve players mula sa iba’t ibang mga teams.

-- Advertisement --
boston celtics jason tatum
Jason Tatum (photo from @celtics)

Gayunman may limang players na tiyak na tatabo sa mga bonuses kung sila ay mapasama sa All star game

Ang mga ito ay sina Bam Adebayo ng Miami Heat, Donovan Mitchell ng Utah Jazz, Jayson Tatum ng Boston Celtics at si De’Aaron Fox ng Sacramento Kings.

Ang nasabing mga players ay meron daw kasing espesyal na kontrata kung saan nakapaloob doon ang compensation increase.

Sinasabing kung pagsasama-samahin ang kanilang mga bonuses ay aabot ng katumbas ng P250 million.

Ilan din sa mga NBA players ay makikinabang din dahil lalakas ang kanilang loob lalo na sa renewal ng kanilang mga kontrata.

Sa March 7 gaganapin ang All-Star game pero walang papayagang mga fans na magbiyahe upang tumungo at manood sa arena sa unang pagkakataon dahil sa COVID pandemic.