Tuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng mga atleta sa buong mundo para sa paglaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Pinakabago rito ay si tennis star Roger Federer kung saan nagbigay ito ng aabot sa $1.02 million sa gobyerno ng Switzerland para labanan nila ang nasabing virus.

Bukod aniya kay Federer ay nagbigay na rin ng tulong ang ilang mga sikat na tennis player.

Nauna rito nagbigay rin ng ilang milyong donasyon na pambili ng mga gagamitin ng mga medical health workers si UFC star Conor McGregor.

Aabot naman sa $5 milyon ang ibinigay na donasyon ni American football star Drew Brees.

Ang nasabing halaga aniya ay ibibigay sa estado ng Louisiana kung saan magbibigay ito ng 10,000 na pagkain kada araw sa mga bata.

Iba’t ibang NBA star din ang nagkaniya-kaniyang donasyon sa mga organisasyon na lumalaban sa COVID-19.