-- Advertisements --
Kinumpirma ng Pentagon na may mga senior leader ng US ang napiling mabibigyan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer.
Ang nasabing hakbang aniya ay para mahikayat pa lalo ang mga military offiicials na magpabakuna dahil ito ay ligtas.
Ilan sa mga napiling nakahanay na babakunahan ay sina acting Secretary of Defense Christopher Miller, Deputy Secretary David Norquist, Chairman of the Joint Chiefs of Staff Gen. Mark Milley, Vice Chairman of the Joint Chiefs of Staff Gen. John Hyten, at ilang senior enlisted advisers.
Wala rin aniyang plano na alukin ng bakuna si president-elect Joe Biden.
Nakatakda kasing makatanggap ng 44,000 na mga COVID-19 vaccine ang Pentagon mula sa kompaniyang Pfizer.