-- Advertisements --
Ipinagpaliban ni US President Donald Trump ang pagpapatupad ng 25 percent na taripa sa Mexico.
Sinabi ni Trump na hindi muna epektibo ngayong Agosto 1 ang nasabing taripa at ito ay papalawigin ng hanggang 90 na araw.
Isinagawa ni Trump ang anunsiyo matapos na makausap niya sa telepono si Mexican President Claudia Sheinbaum.
Paliwanag ni Trump na kakaiba ang Mexico dahil sa mayroong problema sa mga assets at borders
.
Sa mga susunod na araw ay makikipag-usap sila sa Mexico ukol sa nasabing usapin.
Sa loob ng 90 araw ay magkakaroon ng pirmahan ang dalawang bansa ng panibagong trade deal.
Pangalawa kasi ang Mexico na umaangkat ng mga produkto mula sa US na sumusunod sa Canada.