Patuloy ang operasyon na ikinakasa ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers upang maipasara ang mga illegal recruitment agency sa bansa.
Aabot na sa walong branches ng visa consultancy agency sa buong bansa ang naipasara ng ahensya.
Kinabibilangan ito ng dalawang visa consultancy agency sa Mindanao na umano’y sangkot sa pagrerecruit ng mga indibidwal alok ang trabaho bilang guro sa Estados Unidos.
Katuwang ng DMW ang pulisya sa paghahain ng closure order at pag adlocked sa isa sa branch ng naturang ahensya sa Barangay Maa, Davao City .
Ipinasara na rin ng ahensya ang isa pang opisina nito sa Zamboanga City.
Ang operasyong ito ay matapos na madiskubre ng ahensya na nag ooperate ang branch na ito ng walang kaukulang dokumento na inisyu ng DMW.
Ayon kay DMW-11 Director, Maria Carolina Agdamag, malinaw nag maaari lamang na mag operate ay yung may lisensya .