Ipinag-utos ng Philippine Deposit Insurance Corporation sa lahat ng mga bangko na ayusin ang kanilang ads hinggil sa mataas na deposit insurance coverage.
Nakasaad kasi sa bagong deposit insurance coverage ang ₱1 milyon per depositor kada bangko.
Ayon sa Regulatory Issuance (RI) No. 2025-01, simula Hulyo 15, 2025, dapat gamitin ng mga bangko ang pahayag na, “Deposits are insured by PDIC up to P1 Million per depositor,” sa lahat ng kanilang patalastas.
Kabilang na dito ang mga video , audio, print, digital, outdoor ads, at maging sa social media.
Nakapaloob sa bagong alituntunin ang paglalagay ng bagong dinisenyong PDIC decals at standees sa lahat ng tanggapan ng bangko.
Ang mga materyales na ito ay ipapamahagi naman ng PDIC ng libre.
Nilalayon ng hakbang na ito na mas lumawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa mataas na deposit insurance coverage.