Nakatanggap ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng dagdag na mga freeze order mula sa Court of Appeals na target ang dagdag na assets sa mga sangkot sa anomalya ng flood control projects.
Ang pang-apat na freeze order ay inilabas nitong Biyernes, Oktubre 3, 2025 na sumasakop sa 57 na bank accounts, 10 real properties, 9 na sasakyan na nasa listahan ng AMLC.
Sa mga naunang freeze order ay nakapaghinto sila ng assets ng nagkakahalaga ng P4-bilyon.
Dagdag pa ng AMLC na mayroong kabuuang 1,620 na mga bank accounts, 54 insurance policies, 163 motor vehicles, 40 real properties at 12 e-wallet accounts ang na-freeze na ng CA.
Sinabi naman ni AMLC Executive Director Atty. Matthew M. David na ang hakbang ay para mapigilan ang mga nagaganap na kurapsyon sa bansa.