Ilang mga local celebrities na sumabak sa pulitika ngayong halalan ang pinalad at may ilan din ang kinapos.
Sa lungsod ng Pasig ay nagwagi sa kaniyang ikalawang termino bilang konsehal ng ikalawang distrito ang actress na si Angelu de Leon.
Habang ang actor na si Daniel Fernando ay naiproklamang gobernador ng Bulacan ganun din si Alex Castro na muling nahalal bilang vice governor ng probinsiya.
Nakamit naman ng actor na si Arjo Atayde ang ikalawang termino bilang kongresista ng unang distrito ng Quezon City.
Nagwagi rin ang actress na si Aiko Melendez bilang konsehal ng district 5 ng Quezon City ganund din si Alfred Vargas.
Sa lungsod ng Maynila ay pormal na naiproklama si Isko Moreno habang wagi bilang gobernador ng Batangas ang beteranang actress na si Vilma Santos at ang anak nitongsi Ryan Christian Recto ay nagwagi bilang kongresista ng ika-anim na distrito ng Lipa City.
Nagwagi rin ang mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres kung saan si Torres ay naiproklamang alkalde ng Ormoc City habang ang actor ay kongresista ng ika-apat na distrito ng Leyte.
Ang singer naman na si Tutti Caringal ay nagwagi bilang board member sa Laguna.
Ilang mga artista naman ang hindi nagtagumpay sa kanilang pagsabak sa halalan.
Nabigo ang actor na si Luis Manzano para savice governor ng Batangas, natalo naman si Angelika Dela Cruz bilang vice mayor ng Malabon City.
Bigo rin si Ejay Falcon para maging representative ng ikalawang distrito ng Oriental Mindoro ganun din ang actress na sina Ara Mina na tumakbo bilang konsehalng Pasig City ganun din ang beauty queen na si Shamcey Supsup para sa lungsod ng Pasig.
Hindi naman nagtagumpay sa pagka-senador sina Willie Revillame, Jimmy Bondoc, Philip Salvador, Manny Pacquiao at Ramon “Bong” Revilla Jr.