-- Advertisements --
Inirekomenda ng ilang health experts ang pagsasagawa lamang ng limitadong face-to-face classes.
Sinabi ni Dr. Maria Liz Antoinette Gonzales, ang associate dean of faculty and students sa UP College of Medicines, na maaring sa piling lugar gawin ang pagbubukas ng mga paaralan at hindi sa buong bansa.
Maraming mga bagay na ikokonsidera kaya dapat mga piling lugar lamang ay puwedeng magsimula na ng face-to-face classes.
Ayon naman kay Dr. Jocelyn Eusebio ng Philippine Pediatric Society na ang face-to-face classes ay maaaring gawin sa mga pilot areas na mayroong low risks ng COVID-19.
Nananiwalaa ng mga ito ang kahalagahan ng physical classes sa mga bata na naapektuhan ng lockdown dahil sa pandemya.