Kinoronahan bilang Miss Universe 2025 si Fátima Bosch ng Mexico sa final competition ng 74th edition ng prestihiyosong international pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand ngayong Biyernes, Nobiyembre 21.
Tinalo ni Bosch ang 120 kandidata mula sa iba’t ibang bansa at nasungkit ang most coveted Miss Universe crown. Kinoronahan siya ng knaiyang predecesor na si Miss Universe 2024 Victoria Kjær Theilvig ng Denmark.
Sa final Q&A round, natanong ang top 5 contestants ng parehong katanungan na bagamat simple ay puno nang kahulugan: “If you win the title of Miss Universe 2025 tonight, how would you use this platform to empower young girls?”
Sa kaniyang winning answer, naging malinaw at direkta ang ipinaabot na mensahe ni Bosch na kaniyang ipinaabot sa mga kabataang babae na nakikita ang kanilang sarili sa kaniya. “As Miss Universe, I will say to them, believe in the power of your authenticity. Believe in yourself, your dreams matter, your heart matters. And never let anyone make you doubt about your worth, because you are everything. And you are powerful, and your voice needs to be heard. Thank you.”
Si Bosch ay mula sa Tabasco, Mexico at nagbahagi na nilabanan niya ang Dyslexia at ADHD noong siya ay estudyante pa, na ngayon ay nagsisilbing plataporma niya upang isulong ang Neurodiversity.
Matatandaan, naging sentro ng kontrobersiya si Bosch matapos mag-walkout bago pa man ang sashing ceremony ng mga kandidata ng Miss Universe 2025 noong November 4, 2025. Ito ay kasunod ng komprontasyon sa pagitan nila ni Miss Universe Organization vice-president for Asia and Oceania Nawat Itsaragrisil dahil sa kabiguang mag-post ng promotional content hinggil sa Thailand. Tinawag ding “dumb” ni Nawat si Bosch, base sa interview sa Mexican beauty queen. Nagpakita naman ng suporta sa kaniya si Miss Universe 2024 Theilvig na kasama niyang nag-walkoout at ilan pang mga kandidata.
Sa kabila ng kontrobersiya, hindi natinag si Bosch at nanindigan sa kaniyang paniniwala na bilang kinatawan ng Miss Universe at hindi natatakot na marinig ang kaniyang boses: “I came here to be a voice for all the women and all the girls who fight for causes and to tell my country that I’m completely committed to that.”
Samantala, narito naman ang placements ng Top 5 sa Miss Universe 2025:
1st runner-up: Praveenar Singh (Thailand)
2nd runner-up: Stephany Abasali (Venezuela)
3rd runner-up: Ahtisa Manalo (Philippines)
4th runner-up: Olivia Yace (Cote d’Ivoire)
















