Ipinakita ng ilang mga local artist ang kanilang suporta sa actress na si Angel Locsin na komokodina sa red-tagging.

Sa kani-kanilang mga social media, nagpost ang ang ilang personalities habang sila ay naka-red lipsticks.

Ilan sa kanila ay sina Pia Magalona, Cherry Pie Picache, Eugene Domingo, Agot Isidro, Bituin Escalante at maraming iba pa.

Maging ang artist na si Kevin Eric Raymundo ang creator ng digital comics na “Tarantadong Kalbo at graphic designer na si Albert Raqueno.

Magugunitang umani ng negatibong komento ang pahayag ni Lt. General Antonio Parlade Jr sa pagbibigay ng saloobin sina Liza Soberano at beauty queen Catriona Gray sa isang okasyon ng mga progresibong grupo.

Dahil dito ay kinondina ni Locsin ang red-tagging na target ang kaniyang pamilya kung saan sa kaniyang social media ay naglagay ito ng hashtag na #NoToRedTagging #YesToRedLipstick.