DoTr Sec Art Tugade
Sec Tugade/ FB photo

Pumayag na ang mga malalaking airline companies sa bansa na lumipat sa Sangley Airport sa Cavite kapag ito ay natapos na.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade, na payag ang mga ito kung paliparin sila o ilipat sa Sangley.

Nakipagpulong na rin ito sa mga opisyal ng malalaking airline company tungkol sa paglipat ng air cargo at turboprop flight sa Sangley.

Nilinaw din nito na hindi na kailangan na bumiyahe sa Sangley ang mga pasahero ng eroplano dahil sasakay na lamang ang mga ito ferry mula sa MOA sa Pasay patungong Cavite.