LAOAG CITY – Kinumpirma ni Major Roxanne Parado, ang pinuno ng contact tracing team dito sa lalawigan ng Ilocos Norte na kabilang sa mga primary contact ni Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Dino na nagpositibo sa covid-19 ay mga matatas na opiyales.

Ayon kay Parado, kabilang dito ang hindi lalagpas sa limang alkalde, matataas na opisyales ng pamahalaan ng Ilocos Norte, empleyado ng kapitolyo at miyembro ng media.

-- Advertisement --

Bago makumpirma na positibo sa covid-19 si Dino ay dumalo ito kasama si Senador Bong Go sa launching ng Malasakit Center sa Gov. Roque Ablan Senior Memorial Hospital dito sa lalawigan.

Sinabi nito na matapos kumpirmahin mismo na positibo ito sa virus ay agad silang nagsagawa ng contact tracing at ngayon ay aabot sa labinglima ang primary contact nito sa Ilocos Norte.

Dagdag nito na sumailalim na rin ang mga primary contacts sa RT-PCR test at kasalukuyan silang naka-isolate.

Samantala, maliban sa 15 na nacontact trace ng grupo ni Parado ay nagsagawa na rin ng contact tracing ang nasabing ospital para madetermina ang lahat na mga pumasok sa venue ng naturang aktibidad.