Ilang mambabatas ang ipinanawagan ang pagkakaroon ng transparency at pananagutan sa mga flood control projects sa bansa.
Ginawa nito ang pahayag matapos ang naging State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.
Ayon kay Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima, hindi na ito nabigla sa naging reaskyon ng mga mambabatas matapos na sabihin ng pangulo sa kanyang SONA ang isinasagawang pagsisiyasat sa mga flood control project sa nakalipas na tatlong taon.
Partikular na tinukoy ni De Lima ang pagpalakpak[a ng mga ito sa sinabi ng Pangulo.
Giit ni Marcos na malaki ang ginagastos ng pamahalaan sa naturang mga proyekto ngunit hindi naman ito epektibo.
Maaalalang binaha ang malaking bahagi ng bansa matapos ang mga pag-ulang dala ng magkakasunod na sama ng panahon sa kabila ng pagkakaroon ng mga flood control projects.
Suportado naman ni Quezon City Rep. Bong Suntay ang pahayag ng Pangulo na paglaban sa talamak na korapsyon sa flood control .
Aniya, kailangan talaga na ma audit ito at mabigyan ng malalim na imbestigasyon.