Nagsimula nang bumalik ang kuryente sa ilang bahagi ng New York makalipas ang ilang oras na malawakang power outages sa lugar.
Ayon sa power utility ConEdison, madaling araw inaasahan na maibabalik kuryente sa karamihan sa kanilang 16,000 cutomers sa Midtown Manhattan at Upper West Side.
Una rito, sinabi ni Gov. Andrew Cuomo na ang bilang ng mga cutomers na walang ilaw ay tumaas sa 20,000 pagkatapos na magsimula ang blackout makaraang magloko na rin ang mga transformers.
Dahil sa blackout, ilang indibidwal ang nagtungo sa mga kalsada para ayusin ang galaw ng trapiko.
Napilitan din na ang isang troup mula sa nakanselang Broadway show na mag-perform sa gilid ng kalsada dahil sa blackout.
Maraming katao rin ang na-trap naman sa loob ng mga tren at elevators.
Sinabi ni Mayor Bill de Blasio, na kakarating lang sa lungsod matapos na dumalo sa isang presidential campaign sa Iowa, na ang power outage ay resulta ng isang mechanical problem sa electrical grid.
Samantala, sinabi naman ni ConEdison CEO John McAvoy na patuloy ang imbestigasyon na ginagawa ng kanilang kompanya para matukoy ang dahilan ng blackout.
Kailangan daw nila sa ngayon na magsagawa ng full engineering analysis para rito. (CNN)