Suspendido ang face-to-face classes sa ilang paaralan sa Lungsod ng Malabon dahil sa mataas na tubig at pagbaha, ayon sa Schools Division Office ng lungsod.
Ang mga sumusunod na paaralan ay lilipat muna sa alternative delivery mode:
Col. Ramon Camus Integrated School
Dela Paz Elementary School
Malabon Elementary School
Malabon National High School
Malabon City National Science and Mathematics High School
Tañong Integrated School
Ayon sa Schools Division Office, ang pagsuspinde ng face-to-face classes sa mga apektadong pribadong paaralan ay depende sa desisyon ng kanilang mga administrator.
Samantala, nagsasagawa naman ng underwater works ang mga contractor ng Department of Public Works and Highways upang ikabit ang link rod sa driving arm ng navigational gate ng lungsod, ayon kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.
Ang gate na ito ay mahalagang harang upang maiwasan ang pagtaas ng tubig-dagat at pagbaha.
Dagdag pa ni Sandoval, ipinagbabawal muna ang pagdaan ng mga bangka at barko sa Tangos River Channel hanggang Agosto 12, 2025, alas-6 ng umaga.