CEBU CITY — Binaha ang ilang lugar sa Cebu dahil sa pag-apaw ng ilog bunsod ng malakas na ulan na dala na isang Low Pressure Area.
Base na sa ulat ng PAGASA-Mactan, namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa East-Northeast sa Catarman, Northern Samar na nagdadala ng malakas na pag-ulan na posibling maging dahilan sa pagbaha ug pagguho ng lupa.
Dahil dito, daan-daang residente na ang inilikas sa lungsod ng Danao at kasali na rito ang munisipalidad ng Tubaran, Compostela, Balamban, at Asturias.
Sa lungsod ng Tubaran, labing tatlong barangay ang apektado sa malawakang pagbaha kung saan inulat na aabot hanggang sa leeg ang taas ng tubig-baha.
Habang sa lungsod ng Danao, isang 27-anyos na lalake ang namatay dahil inanod ng malakas na buhos tubig.
Sa datus ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, aabot sa 400 indibidwal ang inilikas sa mga apektadong lugar.
Nangako ng tulong si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa mga nasalanta ng pagbaha.