Idineklara na ng ilang bayan at lungsod sa Samar at Leyte kabilang na nag Tacloban ang suspensiyon ng klase at trabaho sa Martes.
Ito ay bilang pag-alala sa ika-siyam na taong pagtama ng Super Typhoon Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.
Sa hiwalay na mga executive order, sinuspindi nina Mayor Alfred Romualdez, Ed Ong, Remedios Petilla, at Percival Ortillo Jr. ang klase sa lahat ng lebel at trabaho sa gobyero sa Tacloban City, Carigara at Palo Sa Leyte maging sa Marabut town sa Samar.
Sinabi ni Romualdez na base sa kanyang order, mayroon umanong isasagawang serye ng aktibidad sa Tacloban para sa paggunita sa ika-siyam na taong pagtama ng bagyong Yolanda.
Ito ay isa na umanong daan para ma-kilala ang naging leksiyon ng naturang bagyo at mga natutunan dito pagdating sa mga dadating pang kalamidad.
Ang suspensiyon ng trabaho at klase ay isa rin umanong pag-alala sa mga nasawi sa naturang bagyo maging ang mga nakaligtas sa kalamidad at ang pagiging matatag ng mga taga-Tacloban City.
Kung maalala ang Tacloban maging ang ilang lugar sa Leyte at Samar ay ang mga lugar na labis na hinagupit ng bagyong Yolanda na may international name na Haiyan.
Sa Martes ang ika-siyam na taon ng malakas na lindol na ikinasawi ng mahigit 6,000 katao.
Inaasahan na rin sa mga residente ng Leyte at Samar na magsasagawa ang mga ito ng misa at bibisita sa libingan ng kanilang mga mahal sa buhay na nasawi dahil sa bagyo.