Nanawagan ang Makabayan bloc ng Kamara sa Commission on Elections (COMELEC) na ilabas na ang certificate of proclamation (COP) ng mga nanalong party-list groups sa nakalipas na halalan.

Nagdududa na raw kasi sina Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas dahil mahigit isang linggo na ang nakalipas subalit hindi pa rin na inilalabas ng COMELEC ang COP.

Nababahala si Brosas na may “niluluto” ang COMELEC kaya hindi pa rin napagbibigyan ng poll body ang kanilang hirit.

Sinabi ni Zarate na para maalis ang agam-agam, dapat isapubliko na ng COMELEC ang COP ng mga nanalong party-list groups.

Marami aniya kasing nangyari sa mga nagdaang halalan na kaduda-duda habang tumatagal ang paglalabas ng COP.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here