-- Advertisements --

Arestado ang ilang operatibo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulian ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon.

Isinagawa ng PNP National Capital Region Police Office ang operasyon ang buy-bust operation sa headquarters ng PDEA sa lungsod ng Taguig.

Nakuha sa mga ito ang maliit na paketa ng na naglalaman ng shabu at isang malaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P9-M.

Kabilang na naaresto ang district director ng PDEA na nakabase sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay Southern Police District chief Brig. Gen. Kirby Kraft na aktibog ang mga nasabing mga suspek kung saan ilang araw din nilang sinubaybayan ang aktibidad ng mga ito bago isagawa ang operasyon.

Tiniyak naman ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na masasampahan ng kaso ang nasabing mga naarestong suspek at hindi nito kokondinahin ang ginawa ng mga suspek.