Nababahala ang Department of Foreign Affairs sa pagdami ng bilang ng mga naitatalang Filipino na biktima ng human trafficking na natrapped sa mga scam centers sa buong Southeast Asia.
Ayon sa ahensya , nakakaalarma ang ganitong mga report ngunit sa kabila nito ay hindi tinukoy ng ahensya kung ilan na ang ulat na kanilang natanggap.
Bilang tugon dito, sinabi ng ahensya na nakikipagtulungan na sila sa kanilang mga kalapit na bansa katulad ng Mainland Southeast Asia na kinabibilangan ng (Thailand, Myanmar, Lao PDR and Cambodia).
Nangako rin ito ng tulong sa Pilipino na distress habang nakikipag -ugnayan sa ibang mga bansa na makipagtulungan sa Pilipinas.
Binigyang diin ng DFA na nananatili silang committed sa pag rescue at repatriation ng lahat ng mga Filipinong biktima ng Human Trafficking.
Nanawagan rin ito sa lahat ng mga Filipino, overseas communities na suportahan ang mga hakbangin ng gobyerno ng Pilipinas na pigilan ang lahat ng uri ng illegal recruitment at exploitation.