-- Advertisements --

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na marami pa ring mga kalsada sa Metro Manila ang lubog sa baha ngayong Martes ng umaga, Hulyo 22, dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat noong Lunes.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

MANILA

  • España Blvd (Antipolo, Lacson): Knee deep, di madaanan ng magagaan na sasakyan
  • Taft Avenue, Roxas Blvd, at Rizal Avenue: Gutter deep, passable
  • Palanca, Recto, UN Ave, P. Faura: Gutter deep, passable

QUEZON CITY

  • G. Araneta (Maria Clara, Victory Ave, Kaliraya): Waist to chest deep, hindi madaanan
  • EDSA North Avenue: Gutter deep, passable

VALENZUELA

  • Malanday, Dalandanan, Marulas: Waist to chest deep, hindi madaanan
  • Navotas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Pasay (Karamihan ay gutter deep lang at madaanan pa ng lahat ng sasakyan)

PARANAQUE

  • SM Sucat, Dr. A. Santos: Waist deep, hindi madaanan
  • Las Piñas
  • Alabang-Zapote at Zapote Junction: Knee deep, di madaanan ng light vehicles

MARIKINA

  • Major Dizon: Hindi madaanan dahil sa pag-apaw ng Marikina River
  • Muntinlupa
  • National Road sa tapat ng City Hall: Half-tire deep, hindi madaanan

Paalala ng MMMDA na iwasan muna ang mga lugar na lubog sa baha.